Magsasagawa ng mga public hearing sa lalawigan ng Negros Oriental para malaman kung kailangang ipagpaliban ang darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Sinabi ni Commission on Elections Spokesperson Rex Laudiangco, ito ay dahil sa mga nangyayaring “Political Violence” Sa lalawigan at para masuri ang kasalukuyang sitwasyon, partikular ang peace and order status sa nasabing lugar.
Sa naunang imbestigasyon ng senado sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, hiniling nina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Francis Tolentino na tingnan ang posibilidad na ipagpaliban ang halalan sa gitna ng karahasan sa pulitika sa lalawigan.
Binanggit din ng mga senador ang mga kamakailang survey na nagpapakita na ang mga tao sa Region VII ay sumasang-ayon na ipagpaliban ang BSKE
Ang mga pampublikong pagdinig ay isasagawa sa bawat lungsod, munisipalidad, at barangay ng Negros Oriental, kung saan ang COMELEC ay tinutulungan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines, sa pamamagitan ng Committee on the Ban on Firearms at Security Concerns (CBFSC) sa pamumuno ni Commissioner Aimee Ferolino.