Isinusulong na ng pamahalaan ang bagong Public Financial Management (PFM) Reforms Roadmap upang mapabuti ang pamamahala sa pondo ng bayan.
Ito ay matapos ang matagumpay na apat na araw na workshop na ginanap mula a-sais hanggang a-nueve ng mayo sa punong-tanggapan ng Asian Development Bank sa Mandaluyong City.
Dinaluhan ito ng mahigit sa 200 kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at development partners.
Layunin ng naturang workshop ang pagtukoy at pagsasaayos ng mga hakbang para sa pagpapatupad ng mga reporma sa taong 2025 hanggang 2026.—sa panulat ni Jasper Barleta