Inaasahan na ng pamahalaan ang pagbaba ng halaga ng mga produktong petrolyo sa pagbubukas ng 2019.
Batay sa inilabas na economic bulletin ng Department of Finance (DOF) kasalukuyang nasa 82.58 US dollars ang presyo ng kada bariles ng krudo.
Gayunman, posibleng bumaba ito pagsapit ng Nobyembre hanggang Disyembre habang sa pagpasok naman ng 2019 ay inaasahang nasa 80.72 US dollars na ang kada bariles ng langis sa pandaigdigang merkado.
Sa kabila nito, hindi iniaalis ng DOF ang posibilidad na magbago pa ang presyuhan ng langis dahil sa mga pangyayari sa mga bansang pinagkukunan ng petrolyo gaya ng Iran at Venezuela.
—-