Nagsimula nang tumaas ang presyo ng baboy, manok at ilang produktong pang-noche buena.
Ito ay batay sa isinagawang inspeksyon ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang pangunahing pamilihan sa Metro Manila.
Ayon sa DTI ang baboy ay may Suggested Retail Price (SRP) na P185 kada kilo ngunit sa South Supermarket umabot na sa P289 ang kada kilo ng baboy habang sa Metro Gaisano naman ay nasa P250 kada kilo.
Pumalo naman sa P165 ang kada kilo ng manok na dapat ay 150 hanggang P155 lamang.
Nadiskubre rin ng DTI ang mataas na presyo ng spaghetti at macaroni sa dalawang supermarket.
Dahil dito makakatanggap ang mga ito ng show cause order para pagpaliwanagin.