Posibleng si Incoming President Rodrigo Duterte ang unang Pangulo ng bansa na ipoproklama in-absentia.
Ang pahayag ay ginawa ni Senador Sonny Angara sa harap ng plano ni Duterte na huwag dumalo sa proklamasyon sa kanya sa Kamara bilang nanalo sa pagkapangulo sa nakalipas na eleksyon.
Ayon kay Angara, historically at traditionally ay laging dumadalo sa proklamasyon ang nananalong Pangulo.
Sa panig naman ni Senador Tito Sotto, sinabi nito na hindi naman maku-kwestyon kung hindi dumalo si Duterte sa proklamasyon.
Sa katunayan, binanggit ni Sotto na kahit siya ay hindi dumalo sa ginawang proklamasyon ng COMELEC sa 12 nanalong Senador sa nakalipas na halalan.
By: Meann Tanbio