Nanindigan ang mga mambabatas na kanilang susuportahan ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay 4PS Party-list Rep. JC Abalos, kung kakailanganin, at sang-ayon ito sa Konstitusyon ay muli niyang susuportahan ang reklamo sa Pangalawang Pangulo.
Naniniwala si Rep. Abalos na hindi na dapat ibalik o ni-remand ng Senado sa Kamara ang Articles of Impeachment dahil wala aniya sa posisyon ang Senado na kuwestiyunin ang constitutionality ng hakbang dahil tanging hudikatura lamang ang makakapag-kuwestyon nito.
Dapat din aniya ay may presumption of regularity at constitutionality sa mga batas na pinagtibay ng Kamara.
Sinabi ng mambabatas na sa lahat ng naipasang panukala ng Kamara noong 19th Congress ito ang unang pagkakataon na kinailangan pa nilang sertipikahan ang isang pinagtibay na aksyon ng plenaryo.
Para kay Rep. Abalos ang trabaho ng Senado ay dinggin ang reklamo forthwith at simulang ang paglilitis.