Pinaghahandaan na ng Philippine National Police ang posibleng pagbuhos ng ulan sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dahil dito, ayon kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, pinaplano na nila ang pamimigay ng mga pananggalang sa ulan, tulad ng mga payong, para sa mga pulis na ide-deploy.
Sa ngayon, patuloy pa ring pinaplantsa ng pambansang pulisya ang iba pang mga ipatutupad na hakbang upang masiguro ang seguridad sa SONA kasabay ng inaasahang sama ng panahon.
Samantala, sinabi ni Gen. Torre na wala silang namo-monitor na anumang banta sa darating na 2025 SONA.
—sa panulat ni John Riz Calata