Sisimulan na Bukas, August 6, 2020 ang pooled testing.
Ito ay matapos dumaan ang pooled testing sa mga requirements at pagapruba ng Philippine Society of Pathologist.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque isasagawa ang pilot pooled testing sa Makati City kung saan gagamit ng isang testing kit sa kada lima hanggang 10 taong kukunan ng specimen o sample.
Kapag na negatibo ang resulta ng pooled testing negatibo na rin sa infection ang lahat ng lima o 10 taong kinunan ng specimen.
Subalit kapag nag positibo ang resulta hahatiin ang bilang ng mga indibidwal na kinunan ng samples para muli itong isalang sa test hangang matukoy kung sino sa kanila ang talagang positive.
Layon ng paggamit ng pooled testing na mapataas pa ang testing capacity ng bansa o mas maraming ma i-test sa kakaunting test kit lang na magagamit.