Ibinahagi ng komedyanteng si Pooh ang nakakatawa niyang karanasan sa sinakyan niyang Uber patungo sa isang restaurant.
Kuwento ni Pooh, hindi siya nakilala ng Uber driver at napagkamalan pa siyang waiter ng pupuntahan niyang restaurant.
Ayon kay Pooh, natatawa at napasipol na lamang siya sa naturang insidente.
Gayunman, nang pababa na aniya siya at nagbayad… naaninagan ng Uber driver sa kanyang rear mirror na celebrity pala ang sakay nito.
Agad nag-sorry ang driver matapos niyang mapagkamalang waiter si Pooh.
Ngunit sa ikalawang pagkakataon, ay napagkamalan na naman siyang ibang tao at hindi bilang si “Pooh” ng driver nang sabihin nitong nanghihinayang siya sa pagkawala ni John Lloyd Cruz sa show nitong Home Sweetie Home.
Napagtanto ni Pooh na ang komedyanteng si Kuya Jobert ang naisip ng Uber driver dahil si Kuya Jobert at hindi siya ang bahagi ng naturang sitcom.
—-