Sumasalang sa imbestigasyon –ala Philippine National Police (PNP) style –ang mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Baguio City.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, sa panayam ng DWIZ, mas episyente ang nakukuha nilang datos para mapag-aralan ang lagay ng COVID-19 pandemic sa Baguio dahil mga imbestigador ng PNP ang ginagamit nila para kumuha nito.
Maliban dito, sinabi ni Magalong na ang PNP tracking system din ang kanilang ginagamit para sa contact tracing.
Sinabi ni Magalong na personal rin nyang kinakausap ang mga COVID-19 patients para pumayag na isapubliko ang kanilang pagkakakilanlan.
Sa pamamagitan anya nito ay napapadali ang contact tracing dahil nagkukusa nang lumutang ang mga nakasalamuha ng COVID-19 patient.
Meron kaming dinevelop na sarili naming technology. Itong technology na ito ay existing talaga sa PNP. It’s just a matter of using it again, utilizing, instead of using it for getting information or data of crimes,” ani Magalong. —sa panayam ng Ratsada Balita