Nagpulong na ang Philippine National Police at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa human rights at insidente ng pagpatay sa tatlong pari.
Pinangunahan nina PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde at CBCP Public Affairs head, Bishop Rey Evangelista ang consultative meeting sa Intramuros, Maynila, kanina.
Ayon kay Albayalde, isolated case lamang at hindi magkaka-ugnay ang motibo sa pagpatay kina Rev. Fr. Richmond Nilo, Rev. Fr. Mark Anthony Ventura at Rev. Fr. Marcelito Paez.
Nagkasundo rin ang PNP at CBCP na hindi dapat armasan ang mga pari subalit nasa pagpapasya pa ito ng Office of the President at Department of Interior and Local Government.