Bukas ang Department of National Defense sa mungkahi ng Amerika na magtayo ng arsenal o ammunition production at storage facility sa dati nitong naging base militar sa Subic.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., makalilikha ng mas maraming trabaho para sa mga pilipino ang pasilidad at makakakuha rin ang bansa ng mga bagong teknolohiya mula rito.
Magugunitang ikinabahala ng mga mambabatas ng amerika ang kakulangan ng ganitong uri ng pasilidad sa mga istratehiko at tensyonadong rehiyon tulad ng indo-pacific.
Gayunman, nilinaw ng Defense Chief ng pilipinas na wala pa silang natatanggap na pormal na mungkahi hinggil sa usapin.