Pumwesto sa 114 na ranggo mula sa isandaan at walumpung bansa ang Pilipinas sa 2024 Corruption Perceptions Index ng international social group na Transparency International.
Itinatala ng CPI ang mga bansa at teritoryo base sa perceived levels of public sector corruption, kung saan zero ang pinaka-corrupt at isandaan naman ang pinakamalinis mula sa katiwalian.
Sa nasabing index nakakuha ang Pilipinas ng 33 out of 100, na bahagyang mas mababa kumpara sa 34 noong 2023.
Batay sa record ng CPI, mula noong 2012, naitala ang pinakamataas na puntos ng Pilipinas noong 2014, matapos makakuha ng 38.
Sa pinakahuling index, kapantay ng Pilipinas sa 114th rank ang Belarus, Bosnia and Herzegovina, Laos, Mongolia, Panama, at Sierra Leone.