Nanguna ang Pilipinas sa pinakamaraming nasungkit na medalya sa unang araw ng 30th Southeast Asian Games kahapon December 1.
Back to back win ang nakuha ng Pilipinas sa triathlon kung saan nasungkit ang 3 medalya.
Nakuha naman ng Pilipinas ang 10 gintong medalya at 3 silver sa lahat ng kategorya ng dance sport.
Nakamit ng National Sepak takraw Tim ang panalo at over all champion naman ang men’s division ng bansa sa arnis, bukod dito ay nakakuha rin ng panalo ang women’s division.
Nakaginto rin ang mga Pilipinong sumabak sa bantamweight at featherweight division, maging ang lightweight at welterweight division.
Nakasungkit din ng ginto si Agatha Wong sa Wushu at hindi naman binigo ng gymnastics champion Carlo Yulo ang mga kababayan matapos makamit ang gintong medalya sa individual all around event sa men’s artistic gymnastics.
Tinambakan naman ng mga basketball players ng Pilipinas ang kani kanilang mga nakalaban.
Tinalo ng women’s team ng Gilas Pilipinas sa 3 on 3 basketball ang Myanmar sa score na 21-4 at Indonesia sa score naman na 16-13.
Nakuha rin ng men’s division ng Gilas ang pagkapanalo nang matalo ang Vietnam sa score na 21-15.
Silver medal naman ang nakuha ng water polo at ng mga manlalaro na sumabak sa figure skating.
Sa ngayon ay nangunguna sa ranking ang Pilipinas na sinundan naman ng Vietnam at Malaysia.