Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) kaugnay sa muling pagbuga ng sulfure dioxide ng bulkang Taal kagabi.
Batay sa abiso ng PHIVOLCS, hindi bababa sa 10,718 tons ng volcanic sulfur dioxide ang ibinubuga nito kada araw na nagresulta ng volcanic smog o vog sa Taal Caldera.
Ang vog ay maliliit na droplet na binubuo ng volcanic gas gaya ng sulfure dioxide na acidic at maaaring magdulot ng iritasyon sa mata, lalamunan at respiratory tract sa oras na malanghap.
Nagpaalala naman ang ahensya sa mga residente malapit sa lugar, partikular na ang mga dumaranas ng hika, sakit sa baga, sakit sa puso, matatanda, buntis at iba pa na iwasan ang mga aktibidad sa labas at gumamit ng face mask.