Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) na mahigpit ang kanilang ipatutupad na seguridad sa panahon ng APEC Summit.
Ayon kay Col. Enrico Canayan, tagapagsalita ng Air Force, partikular nilang tututukan ang air transportation gayundin sa security operations.
Handa rin ang kanilang mga air assets sa sandaling kailanganing ilipad ang mga delegado ng APEC.
Bagama’t sinabi ni Cayanan na nakalerto na sila sa mga gagawing operasyon sa susunod na linggo pero tumanggi na itong magdetalye sa kadahilanang pangseguridad.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal