Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglagda sa unang tranche ng Loan Agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Asian Development Bank para sa 54.5 kilometer na South Commuter Railway Project.
Kabilang sa mga dumalo sa ceremonial signing ay sina Finance Secretary Carlos Dominguez III, Transportation Secretary Arthur Tugade, Executive Secretary Salvador Medialdea, mga kinatawan ng ADB, at iba pa.
Una nang inanunsyo ng ADB ang pag-apruba sa nasa $4.3-B na Loan Agreement para sa naturang konstruksyon na magiging bahagi ng North-South Commuter Railway System.
Samantala, magkakaroon ito ng 18 istasyon na dadaan sa 10 lungsod ng Metro Manila, kabilang na ang Maynila, Makati, Taguig, Parañaque, at Muntinlupa.
Habang inaasahan na daraan ito sa San Pedro City, Santa Rosa City, Cabuyao City, at Calamba, Laguna.