Walang tigil ang Office of the Special Assistant to the President (OSAP) sa pagsasagawa ng ‘peace caravan’ project sa Bangsamoro regions kahit naantala ang huling yugto ng decommissioning ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Nabatid na ang naililipat na paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan ay napatunayang napakahalaga sa pagpapanatili ng mga pagsisikap para sa kapayapaan at sa pagkakaloob ng mahahalagang serbisyo sa mga komunidad ng Bangsamoro.
Sinasabing isang inisyatibo ng OSAP sa ilalim ni Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. ang ‘peace caravans’ na naglalayong makapaghatid ng mahahalagang serbisyo mula sa national government agencies direkta sa mga miyembro ng MILF, Moro National Liberation Front (MNLF) combatants, at sa kanilang mga komunidad na apektado ng armadong tunggalian.
Dahil parte ng normalization track ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), ang caravans ay naghatid ng social protection services, livelihood support, health care, civil registration, skills training, at educational assistance.
Target nitong suportahan ang proseso ng decommissioning sa pamamagitan ng konkretong suporta sa sosyo-ekonomiya.
Natuklasan na ang isang major stop ay sa Lamitan City, Basilan noong February 25–26, 2025. Dito, ang peace caravan — na pinamahalaan ng OSAP at ng Inter‑Cabinet Cluster Mechanism on Normalization (ICCMN) — ay nakarating sa humigit-kumulang 800 benepisyaryo, kabilang ang mga dating MILF at MNLF combatants at kanilang mga pamilya, gayundin ang mga residente ng mga kalapit na komunidad.
Samantala, ang mga serbisyong ipinagkaloob ay kinabilangan ng agricultural inputs tulad ng seedlings, livestock, at mga bangka; medical care kabilang ang consultations at minor procedures; civil registration assistance; health insurance enrollment; internet access; cooperative registration; education materials; at tulong sa pag-aplay para sa amnestiya.
Kahit naantala ang Phase 4 ng decommissioning process — na sumasaklaw sa tinatayang 14,000 nalalabing combatants at 2,450 armas — malinaw na ipinakikita ng gobyerno na ang normalisasyon ay walang humpay na nagpapatuloy.
Kaya iginiit ng OSAP na ang pagpapaliban sa decommissioning ay hindi patas na makaaapekto sa mga combatant na sabik nang magbagong-buhay at makuha ang mga kaugnay na benepisyo.
“It is unfair and unjust for those who are willing to undergo the decommissioning process, depriving them of their opportunity and right to be transformed into productive, peaceful citizens as envisioned in the CAB,” wika ni SAP Lagdameo.
Naka-angkla sa Mindanao peace agenda ni PBBM, ang ‘peace caravans’ ay nagsisilbing pangunahing bahagi ng isang two‑track strategy sa ilalim ng CAB.
Habang ang political‑legislative track ay nagsulong sa pagtatatag ng BARMM government, ang normalization track — na kinabibilangan ng mga caravan na ito- ay nakatuon sa decommissioning, economic reintegration, transitional justice, at confidence‑building programs .
Nasilip na sa Basilan caravan, ipinarating ng OSAP ang mensahe ni Pangulong Marcos na nagpapatibay sa pangako ng pamahalaan na “walang Pilipino ang maiiwan”, at ang mga serbisyo ng pamahalaan at mga hakbang sa normalisasyon ay nagpapatuloy kahit pansamantalang naantala ang proseso ng decommissioning,
Isiniwalat din ni Lagdameo ang damdaming ito sa pagbibigay-diin na ang normalization process ay nananatiling pangunahing prayoridad. “This caravan is a testament to the government’s commitment to the Normalization Program under the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro,” aniya, binibigyang-diin ang mas malawak na layunin na gawing masigla at umuunlad na mga komunidad ang mga kampo ng MILF.
Isinusulong ng ICCMN, binuo ng Executive Order 79 at pinalakas sa ilalim ng EO 6 (2022), ang gov’t holistic approach, nakikipag-ugnayan sa mahigit 30 national agencies at BARMM ministries sa paghahatid ng mga serbisyo sa ilalim ng normalization track.
Dito’y ang mga mahahalagang kontribusyon ay kinabibilangan ng school‑in‑a‑bag ICT kits para sa mga estudyante, cybersecurity at digital literacy training, seedling at livestock distribution, EORE awareness sessions, peace and reconciliation dialogues, birth registration, at health facility upgrades sa mga dating kampo ng MILF tulad ng Camp Bilal, Camp Bushra, at Camp Abubakar.
Sa harap ng pagsusumikap ng gobyerno na idekomisyon ang humigit-kumulang 40,000 combatants bago ang halalan sa BARMM ngayong 2025, patuloy na nangunguna ang OSAP sa pagtitiyak na ang mga programa sa normalization ay naghahatid ng tunay at konkretong mga benepisyo sa mga apektadong komunidad
Sa tulong ng mga inisyatibo tulad ng peace caravans, pinagtitibay ng administrasyong Marcos na habang ang decommissioning ay pansamantalang naantala, ang mas malaking peace building agenda ay nananatiling matatag at operational.