Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagsisikapan ng pamahalaan na panatilihin ang paglago ng ekonomiya, kasunod sa ulat ng pagbagal ng inflation sa bansa.
Matatandaang ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang inflation rate noong nakaraang buwan sa 2.8%
Ayon kay Pangulong Marcos, bunga ito ng pagbaba ng inflation sa pagkain sa 3.3%, kasabay sa pagpapatupad ng National Adaptation Plan at pagbuo muli ng Task Force El Niño.
Hinikayat naman ng Pangulo ang publiko na makiisa sa pamahalaan upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa ekonomiya at maitatag ang magandang kinabukasan sa ilalim ng Bagong Pilipinas.