Magkakasa ang pamahalaan ng mala-’conclave’ na pagpupulong upang bumuo ng polisiya kaugnay sa online gambling.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama sa nasabing pagpupulong ang mga kinatawan mula sa simbahan, mga paaralan, pulisya, magulang, at eksperto sa adiksyon para matukoy ang mga epekto ng online sugal sa lipunan.
Sinabi ni Pangulong Marcos, tatawaging “conclave” ang pulong upang marinig ang boses ng lahat, kabilang na ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na matagal nang may matibay na posisyon hinggil sa nasabing isyu.
Naniniwala ang Presidente na hindi laging solusyon ang pagbabawal.
Inihalimbawa niya ang “e-sabong” kung saan sa kabila ng pagbabawal dito ay nagpatuloy pa rin ang underground operation nito.