Handa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa lifestyle check kasabay ng lahat ng opisyal at kawani ng executive department.
Ito ang tiniyak ng Malacañang matapos ipanawagan ng ilang kongresista at senador na isama ang Pangulo sa pagsusuri, kasunod ng kanyang direktiba na isailalim sa lifestyle check ang mga opisyal sa gitna ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, handa ang Pangulo na ipabulatlat ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN bilang bahagi ng proseso ng lifestyle check.
Una nang sinabi ng Palasyo na pwedeng mag-initiate ang Ombudsman sa pagkasa ng lifestyle check.
At bilang isang independent constitutional body may kapangyarihan sila na magsagawa at magtakda ng mekanismo para sa nasabing imbestigasyon.
—Sa panulat ni Jasper Barleta