Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paggamit ng blockchain technology at artificial intelligence (AI) bilang paraan upang mapalakas ang transparency sa pamahalaan, partikular sa pamamahala ng pambansang badyet.
Nabatid na una nang nanawagan sa pamahalaan ang ilang mambabatas na gamitin ang blockchain system para sa mga dokumento ng pambansang badyet.
Ito’y upang matiyak ang seguridad laban sa manipulasyon at mapadali ang pagsusuri ng publiko sa daloy ng pondo ng bayan.
Iginiit ng Pangulo na ang ugat lamang ng problema ay ang paglabag sa mga umiiral na patakaran at ang pagtigil sa pagsunod sa mga ito sa nakalipas na dekada.