Pinulong na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga opisyal ng Department of Agriculture bilang kalihim ng nasabing ahensya, kahapon.
Ito’y sa gitna ng matitinding hamon sa agriculture sector at food security ng bansa bunsod ng napipintong global crisis sa pagkain.
Kabilang sa mga tinalakay ang pagsasa-prayoridad sa food production, partikular ang pagpapalago sa aning palay at mais.
Handa naman anyang lumikha ang ehekutibo ng ilang batas, kautusan at budget o remedyuhan ang mga ito para mapabilis ang implementasyon ng mga programa na sasaklolo sa sektor ng agrikultura sa bansa.