Nanindigan si Pasig City Mayor Vico Sotto na lantaran ang kasinungalingan ng mag-asawang sina Curlee at Sarah Discaya kaugnay sa isyu ng maanomalyang flood control projects.
Sa paginig ng House Infrastructure Committee, sarkastikong sinabi ni Mayor Vico Sotto kung paano na a-afford ng pamilyang Discaya ang mga sasakyan at ang hundred-million-peso jade display sa kanilang opisina, kung maliit na porsyento lamang ang kita nila sa mga proyekto ng pamahalaan.
Dagdag pa ng alkalde na “buti na lang ang isda ay nahuhuli sa sariling bibig,” dahil ang Discaya mismo ang nagpapahayag ng ebidensya laban sa kanilang sarili sa mga interviews nito noon.
Naniniwala si Mayor Sotto na hindi na bago sa mag-asawang Discaya ang pagsisinungaling, habang pinag-iingat naman ng alkalde ang publiko sa paglalaglagan ng mga senador, kongresista, contractor at DPWH officials na aniya ay tactics lang upang lituhin at guluhin ang katotohanan sa isyu ng flood control.




