Layon nitong isulong ang Charter Change upang magkaroon ng constitutional convention o Con-Con na aamyenda sa Saligang Batas partikular ang pagpapababa ng “minimum age requirement” para sa presidente, bise presidente at mga senador.
Ayon kay House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V, walang kaugnayan sa alkalde ang inihain na resolusyon dahil hindi naman aniya ang pagsikat o pagtaas ng popularidad ni Sotto ang nag-udyok para magpatawag ng constitutional convention o Con-Con.
Para sa kongresista, maraming mga batang public officials mula sa executive branch at lehislatura ang masisipag at “idealistic” na opisyal.
Iginiit ni Ortega, na mabigat na responsibilidad ang pagiging pangulo, bise presidente at senador kaya ang dapat na suriin ay hindi ang popularidad o pangalan ng isang pulitiko, kundi ang performance nito sa trabaho.