Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) na kakailanganin nila ng P6.8 billions upang masolusyonan ang problema sa backlog ng plaka ng mga sasakyan.
Ayon kay LTO Officer-In-Charge Atty. Romeo vera cruz, malaki ang backlog nila sa plaka at matutugunan lamang ang suliraning ito kung maglalaan ng pondo ang kongreso para mapondohan ito.
Aniya mayroon silang modernong planta sa paggawa ng plaka at mayroon din silang dalawang robot na gumagawa ng plaka subalit hindi ito magamit sa ngayon dahil walang pondo para mag-operate ito.
Mababatid na ang problema sa pag-iisyu ng plaka ng mga sasakyan at motorsiklo ay noon pang panahon ng Aquino administration subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nalulutas ng gobyerno.