Hindi dapat na seryosohin ang grupong nasa likod ng pagsusulong sa revolutionary government.
Ito ang naging reaksyon ni University of the Philippines College of Law Dean Pacifico Agabin kasunod ng muling pagbuhay ng grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee sa RevGov para umano magawa ni Pangulong Rodrgigo Duterte ang kanyang campaign promise na pagtatayo ng federal form of government.
Ayon kay Dean Agabin, walang basehan sa batas ang pagbuo ng revolutionary government para maamyendahan ang konstitusyon.
Pinapayagan lamang ng konstitusyon ay ang mag sumusunod: proposal ng congress na mayroong 3/4 ng lahat ng miyembro nito, constitutional convention o kaya naman ay people’s initiative sa pamamagitan ng petisyon ng 12% ng kabuuang bilang ng mga botante.