Tumutol ang grupo ng mga healthcare workers sa panukalang paikliin ang kanilang quarantine period sa limang araw mula sa sampung araw, kung magpopositibo o may makasalamuhang nagpositibo sa Covid-19.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Alliance of Health Workers (AHW) National President Robert Mendoza na hindi sapat ang limang araw para magpagaling sila sa virus.
Aniya pa, hindi sila immortal na mabilis makarekober
Sa isyu naman kung itataas sa alert level 4 ang Metro Manila, sinabi ni Mendoza na hindi pa ito napapanahon.
May mga solusyon pa kasi aniya na pwedeng gawin tulad paghahanda ng komprehensibong plano at hindi ang pagtataas ng restriksyon. –Sa panulat ni Abby Malanday