Tinutulan ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang panukalang bumuo ng Department of Fisheries and Aquatic Resources at ihiwalay sa Department of Agriculture.
Ayon kay Piñol, ang pagbuo ng bagong departamento ay taliwas sa adbokasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabawasan ang burukrasya at epektibong pamahalaan.
Binigyang diin ng kalihim na sakaling matuloy na maitatag ang Department of Fisheries ay magreresulta lamang ito ng dagdag na gastos sa pamahalaan dahil paglalaanan ng hiwalay na budget.
Isinulong lamang anya ang pagbuo ng sariling kagawaran sa pangisdaan dahil napabayaan ito ng pamahalaan.
Gayunman, binigyang diin ni Piñol na hindi dapat sisihin ang kasalukuyang administrasyon sa umano’y napabayaan na sector ng pangisdaan dahil may mga ipinapatupad na ang gobyernong Duterte na mga programa at proyekto na makakatulong sa pag-unlad ng fishery, aquaculture, mariculture maging ng seaweed industry.
By: Drew Nacino