Kinontra ng ilang obispo ng Simbahang Katolika ang panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang parusang bitay para sa mga heinous crime at kasong plunder.
Ayon kay Bacolod Bishop Patricio Buzon, tila paurong ang nangyayari sa bansa sa halip na patungo sa mas sibilisado at makataong lipunan.
Dismayado ang obispo sa panukalang pagbabalik ng death penalty na una nang tinanggal ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2006.
Binigyang diin naman ni Mariduque Bishop Antonio Maralit Junior na walang pang konkretong ebidensiya na magpapatunay na bumababa ang naitatalang krimen sa pag-iral ng parusang bitay.