Lusot na sa senado sa 3rd and final reading ang panukalang batas na magdedeklarang public crime ang child marriages.
Ito ay ang senate bill 1373 na magbabawal at magdedeklara sa child marriage bilang illegal.
21 senador ang bomoto ng yes, walang bomoto ng no at wala ding nag abstain.
Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, principal author at sponsor ng naturang bill, layunin nito na mai-promote ang women at girls empowerment sa pamamagitang ng pagbuwag sa unequal structures at practices that na sumusuporta sa discrimination at inequality laban sa kababaihan at mga bata.
Giit ng senadora bagama’t kahirapan ang maaring isa sa dahilan ng child marriages pero meron pa ding dala ng gender inequality na pina-practice sa ilang lugar.
May lugar anya na itinuturing ang mga batang babae na walang malaking maitutulong sa pamilya dahil aalis din ito para sumama sa kanyang mapapangasawa.
Tulad anya sa Maguindanao na dahil sa social pressure maagang nag aasawa ang mga batang babae na nasa edad 14 hanggang 17.
Sa ilalim ng ipinasang bill sa Senado, sinumang magkakasal o maaayos ng child marriage ay pamumultahin ng P40,000 o papatawan ng prison mayor .
Kapag naman step-parent o guardian ng menor de edad ang mag arrange ng child marriage, papatawan ng prison mayor at multang hindi bababa sa P50,000 at tatanggalan itp ng parental authority.
Ang pari, pastor, mayor o sinumang magkakasal sa menor de edad ay papatawan ng prison mayor at pagmumultahin din ng hanggang P40,000.
Magiging ‘void ab initio’ o walang bisa ang kasal ng menor de edad.
Ang panukalang batas na ito ayon kay Hontiveros ang magbibigay ng pag asa na gumawa ng sariling kinabukasan ang mga kabataan. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)