Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na magbabawal sa Child Marriage sa bansa.
Inaprubahan ito sa pamamagtan ng Viva Voce o Voice Vote kasabay ng Plenary Session.
Layuning ipakita ng House Bill 9943 o an act prohibiting the practice of child marriage and imposing penalties for violations ang negatibo nitong epekto sa mga batang ikinakasal.
Sa ilalim ng panukalang batas, tinutukoy ang Child Marriage kung nagkaroon ng pwersahang pagpapakasal sa pagitan ng dalawang menor de edad o isang nakatatanda at menor de edad. —sa panulat ni Drew Nacino