Naturukan na ng bakuna kontra COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang post ni Senador Bong Go, makikitang tinurukan ni Health Secretary Francisco Duque III ng unang dose ng bakuna ang punong ehekutibo.
Mababatid na Sinopharm vaccine mula China ang tinurok dito na malinaw na wala pang eua o emergency use authorization mula sa Food and Drug Authorization (FDA) at sa halip ay isa lamang compassionate use permit.
Nauna rito, makailang ulit nang sinabi ng pangulo na mas gusto niyang tumanggap ng Chinese made vaccine.