Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nahaluan ng kurapsyon ang pagpasok ng ikatlong telco player sa bansa.
Sa kanyang State of the Nation Address, iginiit ng pangulo na hindi siya nakipag-usap sa sinumang opisyal ng Mislatel Consortium o Dito Telecommunity na siyang napili bilang maging ikatlong telco player.
Kasabay nito, hinamong muli ni Pangulong Duterte ang mislatel na tuparin ang pangako sa mga consumers para sa mas mabilis at maasahang serbisyo sa telekomunikasyon.
“We paved the way for the entry of the third telecommunication provider. Do not worry about this. There is no corruption at all. I guarantee you. Upon the grade, I do not allow nor talk to them. I just said ‘just do your work’ and kung maari, according to what is specifications are required by this government.” — Bahagi ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.