Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Pangulong Duterte nagsalita na sa sigalot nina Cam at Balutan

by DWIZ 882 March 21, 2018 0 comment
DUTERTE 1

Binasag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pananahimik hinggil sa naging pagbubunyag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam.

Ito’y makaraang ibunyag ni Cam ang anito’y magarbong Christmas Party ng PCSO na umabot umano sa humigit kumulang 4 Milyong Piso.

Sa kaniyang talumpati sa General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines sa Manila Hotel kahapon, tila idinepensa ng Pangulo ang naging pasya ni PCSO General Manager Alexander Balutan.

Tila ipinahiwatig din ng Pangulo na walang naging masama sa naging desisyon ni Balutan na naghahangad lamang na pasayahin ang mga kawani ng PCSO.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment