Pinagpapaliwanag ni Senador Panfilo Lacson si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa ginawa nitong pag-refer o pag-endorso sa liham ng anak ni dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez sa Board of Pardon and Parole (BPP).
Kaugnay ito ng aplikasyon ni Sanchez para sa executive clemency.
Ayon kay Lacson, maraming posibleng maging ibig sabihin ang pag-refer ni Panelo sa sulat ng anak ni Sachez lalo’t dati siyang abogado nito.
Maaari rin aniyang sabihin na nagkaroon ng conflict of interest sa panig ni Panelo.
Dagdag ni Lacson, hindi maitatangging may bigat ang pag-refer ni Panelo sa sulat ng anak ni Sanchez bilang dati siyang chief legal counsel at spokesperson ng Pangulo.
Habang hindi rin aniya mahihiwalay ang dating relasyon ni Panelo sa pamilya Sanchez bilang dating abogado ng dating alkalde.