Nakiusap ang Palasyo sa publiko na irespeto at huwag kutyain ang mga nuisance candidates na naghain ng kanilang certificate of candidacies.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Sonny Coloma, karapatan ng mga ito ang maghain ng kanilang kandidatura, lalo na at ang nakasaad lamang na requirement sa batas ay ang pagiging 40 taong gulang at natural born citizen.
Sinabi ni Coloma na makabubuting hayaan na lang ang COMELEC na siyang magsala ng mga kandidato para sa 2016.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)