Posible nang makulong sa Disyembre o bago mag-Pasko ang mga mapatutunayan sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ito, ayon sa Malacañang, ay matapos ihain ni Public Works Secretary Vince Dizon ang mga kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Government Procurement Reform Act at Malversation of Public Funds sa Office of the Ombudsman laban sa ilang opisyal ng pamahalaan at contractors na sangkot sa infrastructure projects issue.
Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na kung non-bailable ang malversation of public funds na ipapataw sa sangkot sa infrastructure project issues ay tiyak na makukulong ito.
Gayunman, naniniwala ang Palasyo na maaaring magdulot ng “dismissals” o pagkabasura sa kaso o “finger pointing” pambibintang, kung mamadaliin ang pagsasampa ng mga kaso.
Iginiit ni Usec. Castro na dapat kumpleto at “air-tight” ang mga ebidensyang ibabato laban sa mga idinadawit sa nasabing kontrobersya.—sa panulat ni John Riz Calata




