Kinontra ng Malakanyang ang pag-amin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Gen. Carlito Galvez Jr. na nag-apply ng amnesty si Senador Antonio Trillanes IV batay na rin sa opisyal na nangasiwa sa panunumpa ng senador.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala pa ring maipakita si Trillanes na orihinal na kopya ng kaniyang amnesty application kaya’t idineklarang void ng Pangulong Rodrigo Duterte ang amnesty nito sa pamamagitan ng Proclamation 572.
Sinabi ni Roque na dalawang branch na ng Makati court ang nag desisyon laban sa paggigiit ni Trillanes na nakumpleto niya ang amnesty requirements.
Hindi aniya abogado si Galvez kayat hindi nito talaga batid ang mga ebidensyang dapat na magpatunay sa amnesty ni Trillanes.