Inirekomenda ng grupong National Union of Journalists of the Philippines na magtalaga ang Pangulo ng kanyang tagapagsalita.
Kasunod ito ng kontrobersyal na pagpapatanggal ng Presidential Communication Office sa isang reporter ng isang istasyon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni NUJP Chairman Jonathan de Santos na bagamat mayroong press officer ang Pangulo ay hindi nito katulad ang bigat ng mismong magiging spokesperson ng Pangulo.