Iginiit ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno, ang kahalagahan ng pagtatakda ng specific period o panahon para sa salitang “forthwith” sa usapin ng impeachment.
Kasunod ito ng kanyang privilege speech, para magsagawa ng masusing pagsusuri at itama ang mga malalabong probisyon ng Saligang Batas.
Sa pulong balitaan, sinabi ng mambabatas na mas makabubuti kung itatama o i-a-update ang 1987 Constitution kabilang ang ibig sabihin ng salitang “forthwith” sa impeachment proceedings.
Anya, sa pamamagitan ng Constitutional Convention, maisasakatuparan ang kinakailangang legislative reforms.
Binigyang-diin din ng mambabatas na dapat mayroong safeguards para matiyak na wala nang ibang pag-uusapan maliban dito sa kabila ng mga agam-agam ng karamihan pagdating sa usapin ng Charter Change.