Sinuspinde ng Philippine Postal Corporation ang pagtanggap sa lahat ng mail at parcels na kailangang dalhin sa Amerika.
Nagsimula ang nasabing hakbang nitong Agosto 28 ngunit hindi pa tiyak kung hanggang kailan ito magtatagal.
Isa sa mga dahilan ng supensyon ay ang pagtatanggal ng Amerika sa ‘de minimis exemption’ o ang exemption ng taripa sa mga low-value packages;
Gayundin, dahil sa bagong customs requirements na dinisenyo para mabawasan ang customer inconvenience at service delays.
—sa panulat ni John Riz Calata