Ipagpapatuloy ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagsusulong ng mga programang makatutulong sa mga mahirap sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon sa NEDA, kabilang sa kanilang isusulong ang pagpasa ng rice tariffication act para mapabilis ang implementasyon ng unconditional cash transfers, fuel subsidies para sa mga jeepney driver at P.U.V. modernization program.
Nito lamang Mayo ay bumilis ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin ng 4.6 percent na pinaka-mataas na lebel sa loob ng limang taon.
Samantala, tiniyak naman ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa publiko na sinosolusyonan na ng gobyerno ang mga dinaranas na hirap ng mga pamilyang Filipino bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.