Mas paiigtingin pa ng anti-cybercrime units ng gobyerno ang mga ginagawa nitong hakbang upang masugpo ang online sexual exploitation ng mga bata at menor de edad.
Ang pahayag ay ginawa ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos mapaulat na may mga estudyante na nagbebenta ng mga malalaswa nilang larawan at videos sa social media para may pambili ng mga gamit sa distance learning.
Matatandaang ibinunyag din ng ilang mambabatas ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng online sexual exploitation of children o OSEC sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Guevarra, sa oras na may naipasa nang batas ang Kongreso na may kinalaman sa online sexual exploitation ng mga bata at menor de edad ay mas palalakasin pa nila ang crack down laban sa cybercrime at iba pang uri ng human trafficking sa internet.