Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggal sa Smartmatic bilang technology provider sa automated elections sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa Davao City, binigyang diin ni Pangulong Duterte na kailangan nang maghanap ng bagong kumpanya ang Commission on Elections (COMELEC).
Ito aniya ay para sa isang fraud free o walang aberyang halalan sa hinaharap.
Kasabay nito, nagbabala rin ang pangulo sa posibleng pag-aaklas ng taumbayan kung magpapatuloy ang mga iregularidad sa halalan.