Mas mataas pa ang bilang ng mga naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong mga nakalipas na araw kaysa sa ‘peak’ ng pandemya noong nakaraang taon.
Ayon kay Dr. Teodoro Herbosa, executive vice president ng University of the Philippines, nakaaalarma ang paglobo pa ng COVID-19 cases sa bansa —mahigit isang taon nang unang magdeklara ng lockdown sa bansa.
Bukod aniya sa pagdami na ng tao na lumalabas ng kanilang mga tahanan, ay mas malaking factor ang pagkalat ng iba’t ibang variants ng virus sa bilis ng pagdami ng kaso nito.
Multifactor ‘yan, siguro nagpapabaya din ‘yung iba, lumabas na, pero itong sudden rise [sa COVID-19 caases], sa tingin ko malaking factor ang variants d’yan,” ani Dr. Herbosa.
Nilinaw din ni Dr. Herbosa na malabong magpositibo sa COVID-19 ang isang indibiduwal na nakararanas lamang ng pangkaraniwang trangkaso o lagnat, ubo at sipon.
Aniya, ang PCR test ay isinasagawa partikular upang ma-detect ang coronavirus.
Pag positive naman, identified ‘yon sa coronavirus by PCR test. Kung ang sakit nya ay trangkaso, magne-negative naman sya sa test,” ani Dr. Herbosa.
Kung ikaw ay nilalagnat, inuubo, sinisipon, at nag-negative ang [COVID-19] test mo, ibang flu ang sakit mo, hindi COVID-19,” ani Dr. Herbosa.
Nagpaalala rin si Dr. Herbosa na kaagad na mag-quarantine kung nagkaroon ng direktang contact sa isang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19, at magpa-swab test limang araw matapos ang exposure o kung may lumabas nang sintomas bago ang naturang araw.
Pag na-expose ka [sa COVID-19-positive], kailangan ma-test ka within 5 days or kung magka-symptoms ka na. Kaya sinasabi naming 5 days [magpa-test] after exposure kasi, nagpatest ka, kahapon ka na-expose, mataas ang tyansang mag-negative. Sa 5th day pa lang dadami ‘yung virus. Quarantine muna, tapos pa-test after 5 days,” ani Dr. Herbosa. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais
Manatili sa bahay.
Ito ang pinakamagandang gawin, ayon kay Dr. Ted Herbosa, special adviser to the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) on Health Concerns, para makaiwas sa hawahaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi sa DWIZ ni Herbosa na kahit silang mga doktor ay ‘stay at home’ mode lamang kung walang dapat gawin lalo na sa mga ospital kung saan mabilis ang hawahan.
Stay at home ang recoomendation ko ngayon sa lahat. Tayo na ang mag-stay at home, kasi hindi na tayo kailangang pilitin mag-stay at home. Sana isasama ko kayong lahat sa ER ng mga ospital, puno na, nakapila ang mga pasyente. Pag nakita nila at nalaman niyo ‘yon, sa bahay ka nalang. Kaming mga doktor, pag hindi namin kailangang lumabas, hindi kami lalabas kasi nga nagkakahawaan po sa ospital at mga health professionals namin,” —sa panulat ni Judith Estrada-Larino