Matagumpay nang napigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa ilang lalawigan.
Ito ang inihayag ng Department of Agriculture (DA) batay na rin sa pinakahuling datos kung saan na-flatten na ang curve ng banta ng ASF.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, malaki rin ang nagawa ng mga ipinatupad na quarantine restrictions sa pagbaba ng mga kaso ng naturang sakit sa industriya ng babuyan.
Magugunita na unang tinukoy ng DA ang 25 probinsya na apektado pa rin ng ASF.