Ituring na lang umano ng mga naaabalang motorista ang kanilang pagkakaipit sa trapik bilang kontribusyon sa APEC Summit.
Ito ang pahayag ng Philippine National Police o PNP kasabay na rin ng muli nitong paghingi ng paumanhin sa mga napeperwisyo dahil sa mga hakbanging panseguridad na ipinatutupad ng mga otoridad.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, sadyang bahagi ng security plan ang traffic rerouting at lockdown protocol sa iba’t ibang panig ng kalakhang Maynila.
Muli naman itong nanawagan sa publiko na kung walang importanteng lakad ay mas makabubuting manatili na lamang sa tahanan o umiwas sa mga lugar kung saan may mga APEC activity.
By Jelbert Perdez | Jonathan Andal