Pinuri ni dating Honorary Lakers Vice Pres. Earvin ‘Magic’ Johnson ang pagkakahugot ng Los Angeles kay Brandon Ingram.
Ayon kay Johnson, mahina sa outside shooting ang Lakers kaya’t kailangan nito ang isang tulad ni Ingram na 6-foot-9 ang height at produkto ng Duke University.
Sinabi naman ni Rookie Lakers Head Coach Luke Walton, dating assistant sa Golden State Warriors, na hindi sila nababahala sa timbang ngayon ni Ingram na 190 pounds at 18 taong gulang lamang.
Kumpiyansa si Walton na kahit may kapayatan, hindi maglalaon ay lalakas at bibigat din si Ingram.
Kaugnay nito, nakuha naman ng Orlando Magic si Forward Serge Ibaka matapos ang multiplayer trade sa Oklahoma City Thunder.
Nakuha naman ng Thunder sina Guard Victor Oladipo, Forward Ersan Ilyasova at gayundin ang karapatan kay Power Forward Domantas Sabonis kasama ang 11th pick sa NBA Draft.
Samantala, narito ang mga nakapasok sa top five ng NBA Draft:
1. Ben Simmons ng Philadelphia Sixers
2. Brandon Ingram ng LA Lakers
3. Jaylen Brown ng Boston Celtics
4. Dragan Bender ng Phoenix Suns
5. Kris Dunn ng Minnesota Timberwolves
By Jelbert Perdez