Alam niyo ba na malaking tulong sa katawan ng mga bata ang mga pagkaing nagtataglay ng Beta-Carotene.
Tumutulong kasi ito para mapalakas ang resistensya ng mga kabataan at maganda din ito sa ating mga mata upang mas madaling maka-adjust sa gabi o sa dilim ang ating mga paningin.
Bukod pa diyan, mailalayo din nito sa impeksiyon o anumang sakit ang mga bata.
Kabilang sa mga pagkaing may Beta-Carotene ay ang ibat-ibang uri ng yellow, red, orange at green leafy vegetables.
Ang Beta-Carotene ay isang vitamin a o kilala bilang vital nutrient for vision at para mapanatili din ang healthy organs kabilang na ang ating mga heart, lungs at kidney. —sa panulat ni Angelica Doctolero